Naaalarma na ang ilang mga overseas Filipino workers na nagtatrabaho sa Hong Kong dahil pa rin sa banta ng coronavirus na nagmula sa mainland China.

Ito ay bunsod na rin sa tumataas na bilang ng mga patay sa bansa at sa ilang panig ng mundo.

Sa eksklusibong panayam ng Star FM Baguio kay international correspondent Nolea Bas-ilan, isang domestic helper sa Pok Fu Lam, Hong kong, sinuspende umano ang klase dahil sa bantang dulot ng novel coronavirus.

“At dahil panic ng mga rito nasuspende pa nga ang klase, papasok sana sila on February 4, pero na move po ang klase nila sa February 17, dahil pa rin po sa takot nila sa virus.”

Dagdag pa nito nagtaas na rin umano ang presyo ng mga masks at limatado na rin ang supply nito.

“Nagtaas na rin ang presyo ng masks at nagkakaubusan na ang mga masks dito kasi hindi pwedeng i-reuse ang mga masks kailangan one per day lang.”

Sa ulat wala pang naitalang Pilipinong apektado sa sakit na coronavirus.