CAGAYAN DE ORO CITY – Nagsampa ng kasong syndicated estafa ang ibang grupo ng investors sa city prosecutor’s office laban sa mga bumubuo ng Jocals 688 Beauty and Wellness Products Trading Incorporated sa lungsod ng Cagayan de Oro City.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni National Bureau of Investigation (NBI-10) regiona director Patricio Bernales ang kaugnay pa rin nang kabiguan ng kompanya na maibigay nag cash rewards ng kanilang mga miyembro na pinangakuan kapalit ng pagpapasakop nito sa grupo.
Inihayag ni Bernales na ito na ang pang-ilang batch ng investors na dumulog sa kanilang tanggapan upang pormal na maghain ng reklamo dahil nais lamang nila na makuha ang pera na naipasok nito sa kompanya.
Bagama hindi binanggit ng opisyal kung magkano na ang halaga ng pera na nasangkot na nais makuha ng investors subalit ang mahalaga ay mayroong pormal na reklamo para magkaayos sa harap ng korte ang ilang partido ng transaksyon.
Magugunitang una nang iginiit ni Mella De Castro na tumatayong tagapagsalita ng kompanya na mag-antay lamang umano ang mga nag-reklamo dahil hinahanapan ito ng paraan ng management lalo pa’t tinamaan rin umano sila ng husto ng pandemya na dala ng COVID-19.
Kung maalala,bago lamang nakabalik ng operasyon ang grupo matapos nilabasan ng cease and desist order ng SEC-Manila dahil sa ilang kuwestiyonabli na pinasok an transaksyon nito na mayroong branches sa ilang bahagi ng bansa.