Reading Time: 1 minute
Kevin Spacey
Kevin Spacey/ IG photo

Ibinasura ng korte sa Nantucket, Massachusetts ang kasong kriminal na inihain kay Kevin Spacey.

Ito ay dahil sa kawalan ng mga complaining witness.

Nagmula ang kaso sa actor sa reklomo ng isang lalaki kung saan noong ito ay 18 anyos pa lamang ay hinipuan at hinawakan ng actor ang kaniyang maselang bahagi katawan.

Nangyari ang insidente noog 2016 kung saan agad naman siyang nagtext sa kasintahan nito.

Ilan sa mga pelikulang pinagbidahan ng actor ay ang American Beauty, The Usual suspects, Seven at ang TV series na House of Cards.