Mayroong panibagong 86 na kapulisan sa bansa ang dinapuan ng COVID-19.

Dahil dito ay aabot na sa 21,168 ang kabuuang kaso ng mga kapulisan na dinapuan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 19,615 ang gumaling na habang nananatili sa 58 ang nasawi.

Mayroon lamang 1,495 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong kapulisan.