-- Advertisements --

Papatawan ng dagdag na taripa ang mga imported na pampasaherong kotse at mga light commercial vehicles sa bansa.

Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, na ang nasabing hakbang ay para maprotektahan ang mga maliliit na gumagawa ng mga sasakyan na labis na naapektuhan dahil sa pandemic.

Bago kasi ang pandemic ay malakas ang auto industry sa bansa subalit ng dumating ang pandemic ay ilang kumpanya ng sasakyan sa bansa ang tumigil na rin sa operasyon.

Paliwanag pa ng kalihim na kapag hindi gumawa ng hakbang ang gobyerno ay labis na maapektuhan ang nabanggit na mga industriya at mahirap ng makabangon.

Inihalimbawa nito ay ang pagpapataw ng P70,000 na taripa sa pamamagitan ng cash bond para sa mga imported passenger cars, P110,000 naman sa mga light commercial vehicles.

Magiging epektibo na ang nasabing bagong taripa ng mga sasakyan sa loob ng 200 araw.