BAGUIO CITY – Namahagi na ang lokal na pamahaan ng Benguet ng tulong pinansyal sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF).

Maaalalang nagpositibo ng ASF ang mga alagang baboy sa Tuba, La Trinidad at Itogon, Benguet.

Ayon kay Benguet Provincial Veterinarian Miriam Tiongan, namahagi ang lokal na pamahalaan ng tig-200 na sisiw sa mga naapektuhang hog raisers sa tatlong bayan.

Ipinaliwanag niyang naipamahagi ang mga sisiw habang hinihintay ng mga hog raisers ang tulong pinansyal mula sa Department of Agriculture (DA).

Una nang sinabi ni DA-CAR regional director Dr. Cameron Odsey na aabot na sa 340 na baboy ang isinailalim sa culling sa lalawigan.

-- Advertisement --

Isinailalim din sa culling ang 300 na baboy sa San Julian, Tabuk City, Kalinga.

Babayaran ng DA ng tig-P5,000 ang bawat baboy na naapektuhan ng ASF at ang mga naisailalim sa culling ngunit maximum na 20 baboy lang ang mababayaran sa bawat hog raiser.