Hinihikayat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga hindi dokumentadong overseas Filipino workers (OFWs) na mag-avail ng anim na buwang amnesty program.
Magtatagal ang pagbibigay ng amnestiya mula Mayo 11 hanggang Nobiyembre 10 ng kasalukuyang taon.
Sa ilalim ng programa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga manggagawa partikular na ang mga domestic workers na na-tag bilang “runaways” o “huroob” na gawing legal ang kanilang estado sa naturang bansa o makauwi nang walang penalties.
Nakahanda naman ang DMW sa pakikipagtulungan sa Saudi authorities para mabigyan ng legal aid, documentation at repatriation support ang mga apektadong OFW sa kabuuan ng amnesty period.
Ayon sa ahensiya, nasa mahigit 100 Pilipinong domestic workers sa Riyadh at Jeddah at 54 naman sa Al Khobar ang nakakuha na ng exit visas at nagaantay ng travel arrangements mula sa kanilang recruitment agencies o mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).