Burned heavy equipment NPA

(Update) BUTUAN CITY – Patuloy pang inaalam ng pulisya ang kabuuang danyos ng sinunog na tatlong heavy equipments kahapon ng alas-12:00 ng tanghali sa may Brgy. Campo, bayan ng Bacuag, lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon kay Lt. Col. Rudy. Elandag, commander ng Surigao del Norte 2nd Mobile Force Company kasama sa sinilaban ang isang backhoe na partially damaged ang dalawang dumptrucks na pagmamay-ari ng CTB Construction.

Pinaniniwalaang mga rebelde mula sa grupong New People’s Army (NPA) ang responsable nito at kasama sa anggulong kanilang tinututukan ay ang hindi pagbibigay umano ng management ng kompaniya ng revolutionary tax sa nasabing grupo.