-- Advertisements --
Kinumpirma ng grupo ng mga negosyante sa bansa na maraming mga dayuhang investors ang nababahala at nag-aalangan na maglagak ng negosyo sa bansa.
May kaugnayan ito sa mga naibunyag na anomalya sa mga flood control projects sa bansa.
Ayon kay ASEAN-BAC Philippines chairperson Joey Concepcion na may mga nagtatanong sa kanila na mga dayuhang investors ukol sa nasabing usapin.
Nais nilang tiyakin na hindi pa gaano matindi ang ang level ng kurapsyon na nagaganap sa bansa.
Dagdag pa ni Concepcion na makakatulong ang imbestigasyon at mapanagot ang mga nasasangkot para mawala ang kaba ng mga foreign investors.