Pinagbabawalan muna ni Atlanta Mayor Keisha Lance Bottoms ang mga basketball fans na bumiyahe sa susunod na buwan para sa gaganaping NBA All-Star Game.
Ayon sa mayor, bagamat labis ang kanilang pagpapasalamat na mag-host sa isang napakalaking event, iba naman kasi ang panahon ngayon na laganap pa rin ang COVID pandemic.
Kaugnay nito, hinikayat din niya ang bars at mga clubs na iwasan muna ang mga promosyon na may kinalaman sa All-Star Game.
Kung maalala ilang mga NBA superstars ang una na ring tumutol na isagawa ang All-Star Game sa panahon ngayon.
Sa inisyal na imprmasyon hanggang 1,500 lamang na kinabibilangan ng mga local healthcare workers, estudyante at staff ng isang local company at mga pamilya ng mga players ang papayagan na personal na makapanood sa March 7.