Tukoy na ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang mga makakasama ni Rep. Martin Romualdez sa loob ng kulungan, kung tuluyan na itong mailipat sa selda.
Ayon kay BJMP spokesperson Jayrex Bustinera, nagsasagawa na ang kawanihan ng risk assessment, vulnerability, at health assessment para masigurong maayos ang relasyon ng mga dati nang nakakulong at sa mga bagong papasok tulad ng dating House Speaker.
Sinabi rin ng BJMP na sasailalim din ang mambabatas sa kaparehong risk assessment na ginagawa sa lahat ng persons with disabilities (PDL).
Isinasagawa ito para matukoy ang kanyang appropriate housing accommodation at akmang makakasama sa loob ng selda.
Ang BJMP ang namamahala sa bagong Payatas jail kung saan nakakulong ang mga malalaking indibiwal na umano’y sangkot iskandalong bumabalot sa flood control projects sa buong bansa.
Kabilang dito sina dating Sen. Bong Revilla, Sen. Jinggoy Estrada, DPWH engineers, at sunod na maipapasok ang presidential cousin na si Romualdez.
Nilinaw din ng BJMP na ihahalo si dating House Speaker Romualdez sa general population kapag nasa kanilang custody na, at hindi siya ilalagay sa solo cell o bibigyan ng special treatment.
Kung ano ang available na selda aniy, doon ilalagay ang mambabatas alinsunod sa kanilang security at jail protocols.
















