-- Advertisements --
Pinuri ni Pope Francis ang mga pari, nurses at maging mga pari na sinusugal ang buhay para matulungan ang mga nadadapuan ng coronavirus.
Sa misang pinangunahan nitong misa nitong Maundy Thursday sa walang-katao-taong St. Peter’s Basilica, sinabi nito na ang mga pari, doctor at nurses ay isang maituturing na “the saints next door”.
Ang misa ay bilang paggunita sa huling hapunan ni Hesus Kristo.
Naging kakaiba ngayon ang kalagayan sa misa ng Santo Papa dahil kung darati-rati napupuno ang basilica ng 10,000 katao kabilang na ang mga cardinals, bishops at mga mananampalataya ay naging bakante ito bunsod ng ipinatupad na lockdown dahil sa patuloy na pagdami ng mga nadadapuan ng coronavirus.