Nagpahayag nang kanilang kalungkutan ang mga dati at kasalukuyang manlalaro maging ang coach ng Alaska Aces dahil sa pagtatapos na ng koponan ng franchise nito sa Philippine Basketball Association (PBA).
Sa kani-kanilang mga social media accounts ay ibinahagi ng ilang mga dating manlalaro ang mga magagandang alaala sa paglalaro sa Aces.
Sinabi ni Barangay Ginebra deputy coach Richard del Rosario, mananatili ang alaala ng Aces sa kasaysayan ng PBA.
Nabigla at nalungkot naman si dating Alaska Aces center Nic Belasco nang mabalitaan ang hindi na pagsama ng Aces sa PBA matapos ang torneyo ngayon.
Nagpasalamat naman si Gins coach Tim Cone na naging bahagi rin ito sa Alaska Aces.
Magugunitang inanunsyo nitong Pebrero 16 ng Aces na hindi na nila ire-renew ang kanilang prangkisa sa PBA matapos ang 35 taon.
Nagsimulang sumali sa PBA ang Alaska noong 1986 kung saan nakakuha sila ng siyam na kampeonato kabilang ang Grand Slam noong 1996 at nagkampeon pa ng limang beses mula taong 2000 hanggang 2013.