-- Advertisements --

Hindi pagbabawalan ng NBA ang mga may-edad na coaches na makadalo sa mga laro sa muli nilang pagbabalik sa katapusan ng buwan sa Orlando, Florida.

Sinabi ni coaches union president Rick Carlisle, ito ang naging kasunduan nila ni NBA Commissioner Adam Silver.

Tiniyak din nito na kanilang isasailalim sa pagsusuri ang mga coaches para matiyak na wala silang mga sakit.

Ilan sa mga coaches na may edad na ay sina San Antonio Spurs coach Greg Popovich, 71; Houston Rockets coach Mike D’ Antoni , 69 at Alvin Gentry ng New Orleans na may edad 65.