Inakusahan ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na gumagamit ang Russia ng mga missiles na mula sa North Korea.
Inihalimbawa nito ang nangyaring airstrike ng Russia sa Zaporizhzhia, Ukraine kungs aan mayroong anim ang nasawi at 19 ang nasugatan.
Sinabi ng Ukraine President na ito ang unang pagkakataon na gumamit ang Russia ng missiles mula sa North Korea.
Hindi aniya kaya ng Russia na lumaban ng walang tulong mula sa kanilang kaalyado.
Nagpapakita lamang aniya ang mga kakulangan ng Russia dahil sa paggamit ng mga missiles mula sa North Korea.
Tiniyak nito na gaganti ang Ukraine sa ginawang matinding pag-atake ng Russia.
Una rito ay inakusahan na ni Zelensky ang Russia na mayroong mahigit 50,000 na sundalo ng North Korea ang tumulong para sa giyera nila kontra sa Ukraine.
















