-- Advertisements --
Apektado pa rin ng malawakang pagbaha ang ilang bahagi ng Calumpit-Hagonoy Provincial Road sa bayan ng Calumpit, Bulacan.
Partikular na rito ang mga barangay Balungao, Calizon, Bulusan, at Sta. Lucia.
Dulot pa rin ito ng matinding pag-ulan na dala ng habagat, na sinabayan din ng high tide.
At dahil na rin sa ilang araw na pag-ulan, hindi na kayang ma-absorb ng lupa ang nananatiling tubig-baha.
Naglagay naman ang mga otoridad ng abiso sa mga motorista na maaaring pumasok sa lugar at malubog lamang sa kalagitnaan ng binabahang kalsada.
















