-- Advertisements --
PNP Chief Albayalde
PNP Chief Albayalde

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na sanayin ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) kung matutuloy ang mungkahi ng Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga ito.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, kailangan munang magkaroon ng sapat na training ang mga bombero bago sila bigyan ng mga armas.

Giit ni Albayalde, kinakailangan na mga “issued” firearms ang kanilang bibitbitin at may kaukulang lisensiya.

Una nang sinabi ni Albayalde na pabor siya sa mungkahi ng Pangulo dahil maaring maging “force multipliers” ng PNP ang mga bombero sa panahon ng national emergency kung armado ang mga ito.

Wala naman nakikitang masama rito si PNP chief dahil mga taong-gobyerno aniya ang mga bombero.

Nabatid na mga pribadong security guards ang ginagamit ng PNP bilang “force multipliers” para sa seguridad kontra terorismo.

Dagdag pa ni Albayalde, makakabuti rin para sa sariling proteksyon ng mga bombero kung sila’y armado lalo pa’t may mga pagkakataon na kinakailangang magpatupad sila ng peace and order sa mga lugar na nasusunugan.