Malaki ang nabawas sa bilang ng mga bilanggo na nakakulong sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Ito ay matapos nakapag pyansa ang nasa 11 pulis na sangkot sa Atimonan rub out incident noong January 2013.

Kinumpirma ni PNP Spokesperson SSupt. Dionardo Carlos na alas-9:00 kagabi ng tuluyan nang makalabas ng PNP Custodial Center ang mga akusadong pulis.

Ito ay sa pangunguna ni PSupt. Hansel Marantan na dating Intelligence Chief ng CALABARZON PNP.

Nasa 13 lahat ang mga akusado sa krimen ngunit si PSupt Ramon Balauag ay naging State witness habang si PO2 Al Bhazar Jailani ay hindi naaresto.

Matatandaan na 13 din ang napatay sa nasabing Insidente sa pangunguna ng umano’y gambling Lord na si Vic Siman.