-- Advertisements --

Sisimulan na ng China ang pagturok ng COVID-19 vaccine sa mga bata edad 3-anyos.

Ang hakbang ay para mapanatili ang pagbaba ng kaso ng COVID-19.

Aabot na kasi sa 76% ng populasyon ng China ang naturukan ng COVID-19.

Pinalawig ng China ang pagpapabakuna sa mga bata matapos na magpatupad ng lockdowns ang ilang probinsiya.

Isa na dito ang Gansu na nagtala ng 35 bagong kaso kung saan 19 dito ay mula sa Inner Mongolia region.

Nauna ng inaprubahan ng China ang Sinopharm at Sinovac na maaaring iturok sa mga may edad 3-17.