-- Advertisements --
Nasa mahigit tatlong milyong kabataan na may edad 12 hanggang 17 ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang talk to the people nitong Martes ng gabi, na nararapat na purihin ang ginagawang hakbang ng Department of Health (DOH) para mapabilis ang pagpapabakuna sa mga kabataan sa nasabing mga edad.
Base sa datus kasi ng DOH na mayroong 12.7 milyon kabataan na nasa edad 12 hangang 17 kabilang na dito ang nasa 1.2 milyong kabataan na mayroong suliranin sa kanilang kalusugan.
Sa kasalukuyan ay inaprubahan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang COVID-19 vaccine na Pfizer-BioNTech at Moderna na iturok sa nasabing mga menor de edad.