-- Advertisements --

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga tumakbong kandidato na magsumite ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ayon kay COMELEC chairman George Garcia, na lahat ng mga kandidato nanalo man o hindi ay dapat magsumit ng SOCE hanggang Hunyo 11.

Ang hindi makakapagsumite ng SOCE sa itinakdang panahon ay hindi makakaupo aniya sa kaniyang opisina.

Sa nasabing SOCE ay makikita ang kabuuang gastos ng kandidato sa pangangampanya ganun din ang lahat ng mga kontribusyon at donasyon na natanggap.

Lahat ng mga dokumento ay dapat ipa-notaryo at ang pamemeke nito ay maaari silang makasuhan ng perjury.

Habang ang mga campaign fund na hindi nagastos ay maaring ideklara at idulog sa Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagproseso ng buwis nito.