-- Advertisements --

Kuntento si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa naging resulta kaugnay Ng pagkakalusot Ng anim na pambato Ng Administrasyon na tumakbo para sa Senado.

Ayon kay Palace Press Officer Atty Claire Castro na nakita sa katatapos lang na halalan na ang mga pambato Ng Alyansa ay may dignidad at may sariling paniniwala.

Tiniyak din ni Usec Castro na para sa bayan ang mga nakapasok sa Magic 12 at Hindi para sa ibang bansa.

Kaugnay nitoy binigyang diin Castro na Hindi pinag- uusapan ang kulay sa pagseserbisyo sa taumbayan at sa halip, ang dapat isipin Ng mga Bagong halal ay ang makatulong at magtabaho para sa mamamayan.

Hindi aniya dapat umiral dito ang pampersonal na interest o interest na kaibigan o ng sinoman.