Nilinaw ng Malacañang na walang balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na itulak ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.
Ayon kay MAlacanang Press officer Atty. Claire Castro, Wala pang anumang balita patungkol sa pag-pursue ng Pangulo sa impeachment at iyan pa ang kanilang pinasisinungalingan.
Dagdag pa niya, walang pahayag ang Palasyo na kumpiyansa ang administrasyon na mapapatalsik si Duterte.
Na-impeach si VP Sara ng Kamara noong Pebrero 5 dahil sa mga kasong betrayal of public trust, graft, at iba pa. Nakatakdang ihain sa Senado ang Articles of Impeachment sa Hunyo 2, habang inaasahang magsisimula ang paglilitis sa Hulyo 30.
Samantala, naghain si VP Duterte ng petisyon sa Korte Suprema para harangin ang proseso. Aniya, handa siyang harapin ang anumang resulta ng paglilitis. (report by Bombo Jai)