-- Advertisements --

Inilarawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kabuuang security situation sa nakalipas na panahon ng halalan sa bansa bilang generally peaceful.

Ito ay sa kabila ng isolated incidents ng karahasan sa kasagsagan ng halalan.

Sa isang statement, sinabi ng Sandatahang Lakas na ang neutrality at non-partisan na posisyon ng kasundaluhan ay ipinairal sa mapayapang pagdaraos ng 2025 midterm elections.

Ang mabilis at pagtutulungan aniya ng AFP personnel kasama ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology, at Philippine Coast Guard ay nag-ambag ng mahalagang papel sa pagpigil sa mga banta at mapanatili ang tiwala ng publiko sa proseso ng halalan.