-- Advertisements --

Inaanyayahan ngayon ang lahat ng mga atletang bahagi ng Gintong Alay na magtipon-tipon at dumalo sa huling lamay ng namayapang atletang tinaguriang “Asia’s Fastest Woman” na si Lydia de Vega.

Ang Gintong Alay ay siyang nakadiskubre kay de Vega sa larangan ng palakasan at dito na rin siya nagsanay.

Mamayang hapon dakong alas-5:00 ay dadalaw ang dating Gintong Alay project director Michael Marcos Keon sa burol ng namayapang atleta sa heritage park sa Taguig City.

Ito na ang kanyang huling lamay sa heritage park at sa Lunes ay iuuwi ang labi ng atleta sa kanyang bayan sa Meycauayan Bulacan.

Kagabi nang dumalaw sa burol sina World Bowling Hall of Famer Bong Coo, martial artist na si Monsour Del Rosario, tinaguriang “Long Jump Queen” na si Elma Muros at asawa nito.

Namatay ang sprint queen noong Agosto 10 dahil sa cancer.