-- Advertisements --

CEBU CITY- Hindi na isasailalim sa swab test pa ang mga asymptomatic o walang sintomas ng Covid-19 dito sa probinsya ng Cebu kundi ‘time based approached na umano ang mabuting gawin’.

Ito ngayon ang plano at gusto ni Cebu Provincial Governor Gwendolyn Garcia kung saan sinabi nito na sayang umano ang mga resources at pondo ng provincial government dahil karamihan naman sa tinetest walang nararamdaman at negatibo ang resulta

Ayon nito na mas mabuting iprioritize nila ngayon ang may mga simtomas gaya ng ubo, sipon, lagnat o yong may Influenza Like Illness (ILI) at Severe Acute Respiratory Illness (SARI).

Maliban dito plano ngayon ni Garcia na ipapatupad ang ‘time based approached, kung saan sa loob ng 21 days na pagmomonitor sa kondisyon ng katawan ng tao at kung wala namang nararamdaman at masigla naman, ay hindi na nila ito isa-swab test.

Ipinaabot na rin umano ito ni Garcia sa pamunuan ng Department of Health sa pamamagitan ni Regional Director Dr. Jaime Bernadas at kung sakaling papayagan ang kanyang plano, maglalabas agad ang gobernadora ng Executive Order tungkol dito.