CENTRAL MINDANAO- Nakubkob ng militar ang taguan ng mga armas at mga Improvised Explosive Device (IEDs) sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade na tumanggap sila ng impormasyon galing sa mga sibilyan sa mga tinatagong mga baril at pampasabog sa Brgy Buayan Datu Piang Maguindanao.

Agad nagsagawa ng Law Enforcement Operation ang Joint Task Force Central at narekober ang mga matataas na uri ng armas,mga bala at mga bomba sa isang kubo.

Grupo umano ng isang Kumander Samad na kanang kamay ni Shiekh Esmail Abdulmalik ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-ISIS Inspired Group) ang nagmamay-ari ng mga armas,mga bala at pampasabog.

Sa ngayon ay pinaigting pa ng Joint Task Force Central katuwang ang Task Force Itihad ng MILF ang pagtugis sa BIFF sa Maguindanao