-- Advertisements --

Kinontra ng Egypt, Qatar at anim na iba pang Muslim-majority countries ang plano ng Israel na one-way na pagbubukas ng Rafah border crossing.

Sa nasabing plano kasi ay papayagan lamang ang mga Palestino na lumabas sa teritoryo subalit kanila itong pagbabawalan na bumalik at harangin ang pagpasok din ng humanitarian aide.

Ang nasabing hakbang din ng Israel ay isang paglabag sa ceasefire na kanilang napagkasunduan ng Hamas noong nakaraang pitong linggon.

Umaabot na rin sa 600 na rin ang ginawang paglabag ng Israel mula ng ipatupad ang ceasefire.

Ayon sa mga foreign ministers ng mga bansang Egypt, Indonesia, Jordan, Pakistan, Qatar, Saudi Arabia, Turkiye at the United Arab Emirates na ang nasabing plano rin ay malinaw na paglabag sa ceasefire na napagkasunduan.