-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ahensya ng pamahalaan at local government units na maging alerto kaugnay ng tumataas na volcanic activity ng Mayon volcano.

Pangunahing pinakikilos ng pangulo ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) aat National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Giit ng Pangulo, mahalagang maging alerto upang mapababa, kung hindi man tuluyang maiiwasan ang epekto ng naturang volcanic unrest.

Ito aniya ang naging susi para malagpasan ang ilang kalamidad na may minimal lamang na pinsala.

Sa pagtataas ng alerto, ang publiko ay pinagbabawalang pumasok sa anim na kilometrong danger zone dahil sa posibilidad ng pagsabog, rockfall events at landslides.