-- Advertisements --

Umabot sa P1.96 billion ang pinsala sa sektor ng agrikultura dulot ng habagat at magkakasunod na bagyong Crising, Dante, at Emong, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Miyerkules, Hulyo 30.

Apektado dito ang 66,989 na magsasaka at mangingisda, kung saan ang pinakamalaking pinsala ay naitala sa Region 3 (P1.1 billion), sinundan ng MIMAROPA, Region 1, at CALABARZON.

Samantala, umabot naman sa P9.5 billion ang tinatayang halaga ng pinsala sa mga imprastraktura sa iba’t ibang rehiyon.

Nasa 37,557 na kabahayan din ang naiulat na napinsala, habang higit 7.4 million katao o mahigit 2 million pamilya ang naapektuhan.

Sa bilang na ito umabot naman sa mahigit 113,000 katao ang nananatili parin sa mga evacuation center.

Naitala rin ang 34 nasawi (dalawa ang kumpirmado), 7 nawawala, at 22 sugatan.

Samantala patuloy ang isinasagawang beripikasyon sa mga datos, ayon sa NDRRMC.