-- Advertisements --

Nais ngayon ng Metro Manila mayors na manatili sa general community quarantine (GCQ) ang status sa Metro Manila.

Ayon kay Metro Manila Council Chairman at Paranaque Mayor Edwin Olivarez, sa pagpupulong daw ng Metro mayors kasama ang Inter Agency Task Force (IATF) ay napagkasunduan ng mga itong irekomenda sa Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang status hanggang sa katapusan ng taon o sa Disyembre 31.

Sinabi ni Olivarez na ito ay bilang paghahanda na rin sa nila sa susunod na taon sa mas maluwang na protocol o ang modified-GCQ.

Pero sinabi ng alkalde na nakadepende pa rin daw ito sa sitwasyon ngayong holiday season at sa data ng Department of Health (DoH).

Nais din daw ng Metro Manila mayors na luwagan pa ang curfer sa National Capital Region (NCR).