Naninindigan ang Metro Manila mayors sa kanilang desisiyon na panatilihin ang pagpapatupad ng no-contact apprehension program (NCAP) sa kabila ng inihain petisyon sa Supreme Court para sa temporary restraining order (TRO).
Sa isang joint statement, nangako ang mga alkalde ng rehiyon na ipagpapatuloy ang pag-improve ng imprastruktura at kakalsadahan para sa mas ligtas na kapaligiran para sa kanilang constituents.
Kasama sa mga lumagda sa naturang joint statement sina Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, ParaƱaque City Mayor Eric Olivarez, Quezon City Mayor Joy Belmonte, Manila Mayor Maria Sheila Lacuna, at San Juan City Mayor Francis Zamora.
Para sa local chief executives, hindi kailanman binalewala ng pagpapatupad ng NCAP ang due process para sa mga motorista gayong mayroong sariling traffic jurisdiction boards ang mga LGU kung saan maaaring dumulog at mag-protest ang mga motorista kaugnay sa kanilang violations.
Isa kasi sa pinaka-tinututulan na aspeto ng NCAP ay ang pagbabayad ng multa kung saan ang registered owner ng sasakyan ang siyang magbabayad para sa violations o paglabag ng kanilang drivers.
Una rito, hiniling ng transport groups sa Supreme Court na mag-isyu ng TRO laban sa local ordinances may kauganayn sa NCAP sa limang lungsod sa NCR.