-- Advertisements --

Mananatili pa rin ang No Contact Apprehension Policy o NCAP sa kabila ng pagpapaliban ng rehabilitasyon sa EDSA, ayon yan kay Transportation Secretary Vince Dizon. Aniya, ito ay magpapatuloy dahil hindi naman ito tungkol lang sa EDSA ngunit ito ay para sa epektibong pagpapatupad ng batas trapiko.

Kaugnay nito, hinimok din ni Dizon ang mga motorista na makipagtulungan sa pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa pangunahing kalsada sa Metro Manila. Aniya, maganda rin ang naging unang linggo ng pagpapatupad ng NCAP dahil marami ang mga sumusunod pero marami pa rin ang nandaraya.

Matatandaan na nagbabala na ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista na nagtatakip ng kanilang mga plaka upang maiwasang matukoy sa ilalim ng NCAP ay hahantong sa pagmumulta.