Sinimulan na ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority ang pagpapadala ng mga notice of violation sa mga motorista na nahuling lumabag sa batas trapiko sa ilalim ng ipinapatupad na No Contact Apprehension Program.
Ayon kay MMDA chief Romando Artes, lahat ng mga ito ay dumaan muna sa masusing ebalwasyon matapos na makunan ng mga high-end closed-circuit television cameras .
Ang kanilang Motorcycle Unit ang naatasang magpadala ng mga abiso ng paglabag sa address ng mga vehicle owners sa National Capital Region.
Maliban dito ay naipadala na rin ang mga notices sa mga motorista na mayroong paglabag sa labas ng Metro Manila batay sa datos ng LTO.
Una nang tiniyak ng ahensya na lahat ng mga makikitang paglabag ay sumasailalim sa masusing pagsusuri matapos na muling ipatupad ang NCAP noong nakalipas na buwan sa mga pangunahing kalsada sa kalakhang maynila.
Mula naman sa sa kabuuang 8,000 NCAP apprehensions, aabot lamang sa 4,100 na paglabag ang nakumpirma.