CAVITE 5

Nilinaw ni Interior Secretary Eduardo Año na gusto ngayon ng mga mayor ng Metro Manila na pahabain pa ang general community quarantine (GCQ).

Nananatili kasing banta ang COVID-19 sa NCR.

Sinabi rin nito na pinagpaplanuhan ng mga alkalde na bawasan ang muling pagbubukas ng mga negosyo at mga biyahe.

Ngunit nilinaw naman ng kalihim na napapansin nilang nag-iingat na ang mga tao at marami pa rin ang hindi gaanong lumalabas kahit maraming sasakyan na ang bumibiyahe.

Depensa naman ni Año, andiyan pa rin ang pangamba ng mga lider laban sa virus lalo pa’t hindi pa talaga nawawala ang deadly virus at patuloy pa itong nakakahawa.