James Laput
-- Advertisements --

Ipinalit ng Magnolia Hotshots ang dalawang manlalaro nito sa isang manlalaro ng Terrafirma.

Nagdesisyon ang Magnolia na ilipat sina Justin Melton at Kyle Pascual kapalit ng center ng Terrafirma na si James Laput.

Naging 13th overall pik sa 2013 Draft si Melton na tinawag bilang Quickmelt dahil sa kakaibang bilis nito sa paglalaro.

Kasama ang 5-foot-9 na guard ng makuha ng Hotshots ang apat na titulo kabilang ang 2014 Grand Slam sa ilalim ni coach Tim Cone.

Itinuturing naman ni Pascual na pagbabalik sa Terrafirma na siyang nag-draft sa kaniya noong 2014.

-- Advertisement --

Naging susi si Pascual ng makuha ng Magnolia ang 2018 Governors’ Cup title.

Si Laput naman na pang-walong overall pick sa Season 46 Draft ay lilipat sa ikalawang koponan nito.