-- Advertisements --

Inianunsyo ng Department of Interior and Local Government (DILG) na prayoridad sa mga kukuning contact tracers ay graduate ng medical-allied sciences at criminology.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni DILG Usec. Jonathan Malaya na college level ang kwalipikasyon para makuha o matanggap bilang contact tracer.

Ayon kay Usec. Malaya, sa mga interesado maaaring magsumite ng kanilang personal data sheet o application letter sa alinmang DILG provincial o city offices o kaya sa kanilang munisipiyo na siyang magpapasa na ito sa kinauukulang tanggapan.

Ipinaliwanag ni Usec. Malaya na sa oras na kulangin pa ang kanilang makukuhang contact tracers, dito na sila kukuha mula sa mga displaced overseas Filipino workers (OFWs) at mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Target ng ahensya na makapag-hire pa ng karagdagang 50,000 na contact tracers para mas mapalakas ang contact tracing capability ng bansa.