Iniulat ng Department of Budget and Management (DBM) na mayroon pang bilyun-bilyong halaga ng pondong hindi nagugol ang Departement of Energy (DOE) at Department of Information and Communications Technology (DICT) mula Enero hanggang Hulyo ng kasalukuyang taon.
Sa latest data ng DBM, lumalabas na pumalo sa P2.99 trillion ang inilabas na notice of cash allocations para sa state agencies na gugugulin para sa kanilang programa at proyekto noong nakalipas na pitong buwan nayong 2025, mas mataas kumpara sa P2.74 trillion noong nakalipas na taon.
Sa mga ahensiya ng gobyerno, ang DOE ang nakapagtala ng pinakamababang utilization rate na 63%, kung saan nasa P1 billion lamang ang nagastos mula sa inilabas na P1.7 billion. Sinundan ito ng DICT na nasa 64% lamang kung saan P4.2 billion ang nagastos mula sa inilabas na P6.5 billion.
Kaugnay nito, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na inatasan na niya ang mga ahensiya ng gobyerno na magsumite ng kanilang catch-up plans kasunod ng naitalang pinakamabagal na spending sa tatlong kwarter.
Sakali aniyang mabigo ang mga ahensiya na ayusin ang kanilang paggasta sa pondo matapos ang assessment at submission ng catch-up plans, tatapyasan ng DBM ang kanilang mga alokasyong pondo.