Hinikayat ng Malacañang ang publiko na maging reponsable sa araw-araw nilang pagharap sa buhay habang nasa paligid pa rin ang COVID-19.
Sa isinagawang pre-SONA forum, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea, kahit pa anong klaseng quarantine protocol ang ipatupad, hindi pa rin nawawala ang virus at mananatili pa rin ito hangga’t walang bakuna.
Ayon kay Sec. Medialdea, kaya walang puwang sa panahong ito ng pandemya ang katigasan ng ulo.
Sa kabila naman ng kinakaharap na health crisis ng bansa, kumpiyansa si Sec. Medialdea na maibabalik na ang pag-usad ng ekonomiya lalo na ang mga nabiting infrastructure projects na makalilikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino para mabigyan na sila muli ng kakayahang masuportahan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Naniniwala si Sec. Medialdea na ang mga ipinatupad na life saving measures ni Pangulong Rodrigo Duterte gaya ng maagang lockdown o enahnced community quarantine (ECQ) ang nagsalba ng libu-libong buhay ng mga Pilipino mula sa bangis ng COVID-19.