Nanawagan ang Bureau of Internal Revenue sa publiko partikular sa mga retailers o nagtitinda ng mga produktong vape na suriing maigi ang kani-kanilang mga ibinebenta.
Inihayag mismo ng kasalukuyang commissioner ng Bureau of Internal Revenue na si Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. ang kanilang panawagan sa mga negosyante na tingnan kung lehitimo nga ba ang mga hawak nilang vape products.
Kung pinaalalahan niya din ang mga ito na iparehistro ang kanilang mga negosyo sa Department of Trade and Industry upang maging ligal ang pagtitinda.
Gayun din ang kanyang paalala na huwag kalimutang magbayad ng mga kaukulang buwis partikular ng excise tax sa mga produktong ibinibenta.
Mariing babala kasi ni Commisioner Romeo D. Lumagui Jr. sa publiko na hindi sila magdadalawang isip na habulin ang mga lumalabag sa batas.
Aniya’y seryoso silang magsampa pa ng mga kaso sakaling madiskubre na iligal ang operasyon ng isang negosyo.
Samantala, inihayag naman ng naturang commissioner na maaring i-surrender ng mga negosyante sa kanilang tanggapan ang mga produktong vape na hindi umano lehitimong ibinebenta .
Kung saan kasabay ng kanyang babala, hinimok niya ang publiko partikular sa mga negosyante na pillin ang mga papasuking negosyo at iwasan ang pagbebenta pa ng mga produktong bigong bayaran ang excise tax.
Maalala na kamakailan lamang ay nagtungo ang naturang commissioner sa Department of Justice upang sampahan ng multiple tax evasion case ang ilang kumpanya na hindi nagbabayad ng buwis.