-- Advertisements --

Lilimitahan na ng Pentagon ang galaw ng mga journalists sa loob ng kanilang opisina, lalo na sa mga secured facilities.

Ito’y matapos ang napaulat na sunod-sunod na paglabas ng mga leak informations.

Sa isang social media post, inihayag ni US Defense Secretary Pete Hegseth na hindi na nila papayagan na magkaroon ng access ang mga journalist partikular sa kanilang secure facility.

” The press is no longer allowed to roam the halls of a secure facility. Wear a badge and follow the rules — or go home,” mensahe ni Hegseth.

Ipinaalala ng Pentagon sa mga journalists na kailangan nilang sumunod sa mga tuntunin ng kanilang opisina partikular sa pag labas ng mga hindi otorisadong impormasyon.

Binigyang-diin ni Sec. Pete Hegseth, na ang Pentagon ay pinapaktabo ng mga taong nag tatrabaho dito at hindi ng media, kaya dapat sila sumunod sa ipinapatupad na polisiya.

Sa kabila ng mga ipinapatupad na bagong restrictions mananatili naman ang Department of War na committed sa transparency upang mapanatili ang tiwala ng publiko ngunit kailangan na ang mga impormasyon na ilalabas sa publiko ay opisyal na otorisado. (Angelo B. Aganan)