Ipinagpaliban ng Professional Regulation Commission (PRC) ang Medical Technologist examination.

Ayon sa PRC, na dahil sa ipinapatupad na restrictions sa community quarantine kaya minabuti na ipagpaliban ang nasabing pagkuha ng examination.

Gaganapin sana ang nasabing pagsusulit mula Agosto 30-31.

Nanawagan na lamang ang PRC na hintayin na lamang ang magiging anunsiyo nila para sa bagong petsa ng pagsusulit.