-- Advertisements --
Inilabas na ng Professional Regulation Commission ang resulta ng isinagawang June 2025 Special Professional Licensure Examination (SPLE) for Architects.
Batay sa datos na inilabas ng komisyon , aabot sa 78 mula sa 158 examinees ang pumasa sa naturang pagsusulit.
Ito ay katumbas ng 49.37% na matagumpay na pumasa mula sa kabuuang bilang ng mga kumuha ng eksaminasyon.
Nanguna ang Board of Architecture sa pagbibigay ng pagsusulit sa Middle East at Singapore na isinagawa noong Hunyo 6 hanggang 7 ng kasalukuyang taon.
Maaaring makita ang mga listahan ng pumasa sa pamamagitan ng pagbisita sa link na ito bit.ly/June2025ALESPLE .