-- Advertisements --

Inilabas ng Professional Licensure Examination (SPLE) ang resulta ng pagsusulit sa Medical Technologists (MedTech), ngayong Hunyo 23 kung saan kinumpirma nitong wala ni isang nag-exam ang nakapasa.

Screengrab from PRC

Ang pagsusulit ay ginawa noong Hunyo 6 at 7, 2025 sa mga testing centers sa Abu Dhabi at Dubai (UAE); Jeddah at Riyadh (Saudi Arabia); Doha (Qatar); at Singapore.

Pinangunahan ito ng Board of Medical Technology na sina Dr. Marilyn A. Cabal-Barza (Chairman) at Dr. Leila Lany M. Florento (Miyembro).

Batay sa PRC, ang SPLE ay isinagawa alinsunod sa PRC Resolution No. 1034 (s. 2017), Republic Act No. 8981, at Executive Order No. 835, para bigyan ng pagkakataon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na makakuha ng lisensya habang nasa ibang bansa.

Ipinaalala rin ng PRC na ang mga examinee na hindi pumasa ngunit nakakuha ng higit sa 70% na general rating ay maaaring makapag-parehistro bilang Medical Laboratory Technician.