Mas pinili na ni Meagan Aguilar na mamuhay ng tahimik kaya nagpalit ito ng relihiyon.

Mula sa dating Katoliko ay nagpa-convert na ito sa Islam noon pang Setyembre 2018.

Sinabi nito na buong loob ang pagpasya niya sa pagpalit ng paniniwala.

Mas tahimik aniya ito kaysa buhay niya sa showbiz industry.

Ibinunyag pa nito na naging malaking impluwensiya sa kaniya ang kaniyang amang si Freddie dahil sa pitong taon na nitong pagiging Islam ay nakita niyang maraming nabago sa kaniyang buhay.

Noong Disyembre rin ay ikinasal din ito sa isang Muslim na kaniyang nakilala sa Islamic medical mission kung saan volunteer dito ang singer.