-- Advertisements --

Ibinahagi ni Jovie Albao sa kanyang social media account platform na Faceboom ang emosyonal na karanasan kung saan sa unang pagkakataon, napanaginipan niya ang yumaong si Freddie Aguilar, ilang buwan matapos itong pumanaw.

Ayon sa kanya, gumising siya nang may ngiti sa mga labi at may magaan na pakiramdam.

Ani Albao na sa kanyang panaginip, nakita raw niya si Freddie na masaya, walang sinasabi ngunit puno ng pagmamahalan. Mahigpit daw siyang niyakap nito bago ito tuluyang naglakad palayo habang nakangiti at kumakaway.

“Salamat bhabe, alam kong ok ka na,” ani Jovie. “Ngayon, pipilitin kong ako naman, kami naman.”

Samantala nagpahayag din siya ng pagmamahal at panalangin para sa asawang patuloy niyang minamahal kahit nasa kabilang buhay na.