-- Advertisements --

Pumanaw na ang Filipino folk singer na si Freddie Aguilar sa edad na 72 ngayong Martes, Mayo 27, 2025 sa sa Philippine Heart Center.

Ito ang kinumpirma ni Atty. George Briones ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) kung saan naging national executive vice president si Aguilar.

Matatandaang naging kandidato sa Senado ang singer, ngunit hindi pinalad.

Isa rin siya sa mga haligi ng Original Pilipino Music (OPM), dahil sa iconic na kantang “Anak.”

Ipinanganak siya noong Pebrero 5, 1953.

Nagsimula siyang mag-compose ng mga kanta sa edad na 14 at kalaunan ay naging isang street musician bago sumikat sa folk clubs at bars.

Kilala rin siya sa kanyang rendisyon ng “Bayan Ko”, na naging awit ng oposisyon laban sa Martial Law noong EDSA Revolution noong 1986.