-- Advertisements --

Patuloy ang pagpapaabot ng pakikiramay at kalungkutan ng mga fans at kapwa mga singers matapos na pagpanaw ng beteranong singer at folk singer na si Freddie Aguilar.

Ang 72-anyos na singer ay pumanaw nitong araw ng Martes, Mayo 27.

Sinabi ng kaniyang dating asawa si Josephine Quiepo na nagkaroon ng multiple organ failure ang dahilan ng kamatayan nito.

Nitong hapon ng Mayo 27 din ay kinumpirma ng Muntinlupa City Muslim Affairs Office na inilibing na rin nila ang singer batay na rin sa kaugalian ng Islam.

Taong 2013 ng magpa-convert sa Islam ang OPM singer.
Nakilala ang singer sa kaniyang iconic na kanta na “Anak” kung saan ito ay mayrooon iba’t-ibang bersyon at lenguwahe.