-- Advertisements --

Aabot sa 13,441 law graduates ang sasabak sa tatlong araw na online bar examinations na magsisimula sa Setyembre 6 sa 15 testing centers sa buong bansa.

Isasagawa ang iba pang bahagi ng pagsusulit sa Setyembre 9 at 13, sa pangunguna ng Supreme Court committee on bar examinations na pinamumunuan ni Associate Justice Samuel Gaerlan.

Itinalaga bilang national headquarters at testing center ang San Beda College Alabang sa Muntinlupa.

May iba pang testing centers sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.

Nagpatupad na rin ng seguridad ang pnp sa lahat ng testing centers, habang magkakaroon ng road closures at traffic rerouting sa paligid ng ust at San Beda University sa Maynila sa tatlong araw ng bar exams.

May liquor ban din sa paligid ng mga testing centers upang matiyak ang tahimik at ligtas na lugar para sa mga examinee.

Sa Muntinlupa, sakop ng liquor ban ang 100-meter radius ng San Beda college Alabang.

Anim na subject areas ang sasaklawin sa pagsusulit, habang ang mga tanong ay ibabatay lamang sa mga batas, rules, issuances at jurisprudence na umiiral hanggang June 30, 2025.

Noong 2025, 5,594 sa 11,425 examinees ang nakapasa sa bar exams.