Benoit Mbala
Ben Mbala/ IG post

Prioridad pa rin ng dating De La Salle University player Ben Mbala na magalaro sa bansa.

Sinabi nito na bukas pa rin ang kaniyang pintuan para makapaglaro sa PBA.

Naging standby player kasi si Mbala noong November 2018 ng Magnolia Hotshots matapos na magtamo ng injury ang kanilang import na si Romeo Travis.

Bagamat hindi na nagtagal sa paglalaro sa Hotshots ng dating UAAP Most Valuable Player ay sinabihan ito ng koponan na maaari pa rin itong makasama sa mga ensayo.

Pinangunahan ni Mbala ang La Salle noong UAAP Season 70 championship bago ito pumirma sa Limoges CSP ang second division basketball league ng France.